Home NATIONWIDE Senado pinagpapaliwanag ng SC sa petisyon ni Guo vs paggisa sa kanya

Senado pinagpapaliwanag ng SC sa petisyon ni Guo vs paggisa sa kanya

98
0

MANILA, Philippines- Bigo si suspended Bamban Mayor Alice L. Guo na agarang mapahinto ang Senado sa pag-imbestiga sa kanyang pribadong buhay at pagpilit sa kanya na humarap sa Committee hearings.

Sa halip na maglabas ng temporary restraining order (TRO), inatasan ng Supreme Court En Banc ang Senate Committee
on Women, Children, Family Relations, & Gender Equality ni Senator Risa Hontiveros bilang chairperson na maghain ng komento kaugnay sa petisyon ni Guo.

Binigyan ng SC ang respondent ng 10 araw upang isumite ang kanilang komento.

Una nang hiniling ng kampo ni Guo sa korte na ipawalang-bisa ang subpoena na inisyu ng Senate Committee laban sa kanya.

Nais din ni Guo na magpalabas ang SC ng temporary restraining order (TRO) and/or preliminary writ of injunction laban sa mga pagdinig ng Senado. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here