MANILA, Philippines – Kinansela muna ang pagdinig ng Senate panel kaugnay sa pagtakas ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo dahil sa masamang panahon dulot ng Tropical Storm Enteng.
Sinabi ng opisina ni Senador Risa Hontiveros na kinansela muna ng subcommittee on justice ang scheduled public inquiry kung paano nakalabas ng Pilipinas si Guo noong Hulyo, kasabay ng suspensyon ni Senate President Chiz Escudero ng pasok sa mataas na kapulungan dahil sa masamang panahon.
“Suspended po ang hearing on Guo Escape due to inclement weather. We will advise po kailan ang schedule,” saad sa anunsyo ng opisina ni Hontiveros.
Suspendido rin ang lahat ng pagdinig sa Senado na itinakda ngayong Lunes, Setyembre 2, kabilang ang pagdinig ng subcommittee on finance sa proposed 2025 budget ng Office of the President, National Intelligence Coordinating Agency, at National Security Council.
Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr., ang pasok sa mataas na kapulungan ay magbabalik araw ng Martes, Setyembre 3. RNT/JGC