Home NATIONWIDE Senate Magic 12 winners ipoproklama na ng Comelec bukas

Senate Magic 12 winners ipoproklama na ng Comelec bukas

MANILA, Philippines – Ipoproklama na ng Commission on Elections (Comelec) bukas, Mayo 17 ang 12 nanalong senador, ayon kay Comelec Chairman George Garcia.

Sa press conference sa Manila Hotel Tent City, ang proklamasyon ay magsisimula alas 3 ng hapon.

Tinapos ng Comelec ang ofiicial tally ng certificate of canvass (COC) para sa midterm election noong Huwebes ng gabi. Ginagamit ang COC upang matukoy ang mga opisyal na nanalo.

Natapos lamang ng Comelec ang canvassing ng lahat ng 175 certificate of canvass ng tatlong araw matapos ang May 12 elections na pinakamabilis na canvassing sa kasaysayan ng poll body. Jocelyn Tabangcura-Domenden