Home NATIONWIDE Senate probe, ikinasa vs gentleman’s agreement ni ex-PRRD sa China

Senate probe, ikinasa vs gentleman’s agreement ni ex-PRRD sa China

MANILA, Philippines – Naghain ng isang resolusyon si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros upang paiimbestigahan ang sinasabing gentleman’s agreement ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China sa pag-aalis ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na sanhi ng kasunduan ni Duterte sa China, naging mahigpit ang pagkukumpuni at rehabilitasyon ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“This ‘gentleman’s agreement’ is treasonous. While China, in any case, will most likely attack our resupply missions en route to Ayungin, this sham of an agreement only gave Beijing more ammunition to assert her baseless claims. Kung totoo ang kasunduan, mukhang isinuko nga ni Duterte ang teritoryo ng Pilipinas,” ayon kay Hontiveros.

Sinabi ni Hontiveros sa Proposed Senate Resolution No. 982, na kung may katotohanan ang kasunduan, talagang isinuko ng dating administrasyon ang soberanya ng Pilipinas sa Beijing.

“At sa salita ni dating Philippine Navy flag officer-in-command Eduardo Santos, an act of treason,” ayon kay Hontiveros.

Inihayag din niya sa resolusyon na kahit ang National Security Council, sa pamamagitan ng Assistant Director General Jonathan Malaya, na hindi nito nalalaman na may kasunduan.

Iginiit pa ng senador na ipinahayag din ni Malaya na dapat maipaliwanag ni Atty. Harry Roque, na nagbulgar sa nasabing agreement, ang pangyayari sa likod nito, sino ang nagsagawa dahil malaki ang implikasyon nito sa pambansang seguridad.

“Pati pambansang seguridad natin nalagay sa pahamak dahil sa walang-dangal na ‘gentleman’s agreement’ na yan. China is already all around us – sa telecoms, sa national grid, sa karagatan – at mas lalo lang pinalakas ni Duterte ang Tsina sa kasunduang di umanong pinasukan niya,” ayon sa senador.

“It is our duty to fortify the BRP Sierra Madre. Without it on Ayungin, we effectively give way for China to illegally occupy what is ours. If we stop reinforcing the Sierra Madre, we not only lose a crucial, strategic outpost, but also fail to defend our sovereignty,” giit pa ni Hontiveros. Ernie Reyes