Home METRO Lola nagulungan ng oil tanker, patay

Lola nagulungan ng oil tanker, patay

MANILA, Philippines – Isang 60-anyos na lola ang napisak ang ulo makaraang magulungan ng isang Tanker truck habang tumatawid sa Brgy. Tejero Convention, Rosario, Cavite.

Sa report ng pulisya, kinilala ang biktima na si Lerma Guttieres y Abillo, biyuda na residente ng 276 Gen. Trias Drive, Barangay Tejero ng nasabing bayan.

Kinilala naman ang drayber na si alyas ‘Michel,’ 39 tubong Dapitan City, Zamboanga del Norte at residente ng Pag-asa 3, Imus City, Cavite at driver ng Isuzu Truck Fuel Tanker na may sticker na D3 P735.

Mabilis namang rumesponde ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Rescue Unit ng Rosario, Cavite sa lugar ng insidente.

Batay sa report, dakong ala-1:50 ng hapon nang maganap ang insidente nang nagulungan nito ang biktima habang tumatawid galing east patungong west direction habang binabaybay naman ng nasabing truck ang kalsada patungo sa direksyon ng Petron Depot.

Hindi umano napansin ng driver ang biktima na nasa kaliwang bahagi ng truck kung kaya nakaladkad ito hanggang sa magulungan na naging sanhi ng kamatayan nito. Margie Bautista

Previous articleSenate probe, ikinasa vs gentleman’s agreement ni ex-PRRD sa China
Next articlePagpapalakas sa PNP technology, suportado ng solon