MANILA, Philippines – Sinuportahan ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang panawagan ng bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) na palakasin ang paggamit ng teknolohiya sa pagpapabuti sa pagpapatupad ng batas.
Binigyang diin ng mambabatas na ang pahayag na ito ni Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Francisco Marbil ay isang hakbang na makatutulong upang mapabuti ang ugnayan ng publiko at ng kapulisan gayundin ang pagpapanumbalik ng tiwala ng taumbayan sa PNP sa pagsasabing (this) “is a major step in building the public’s trust and confidence in the PNP.”
“We laud the appointment by President Ferdinand R. Marcos Jr. of General Marbil as the new chief of the Philippine National Police. We are optimistic that with General Marbil at the helm of the PNP, substantial investments in technology and innovation will be made to better equip the PNP in protecting the public and meeting new challenges to law enforcement,” dagdag ni Yamsuan.
Giit ng kongresista na sinusuportahan niya ang mga hakbang na ipatutupad ni General Marbil sa hangarin nitong mapabuti ang serbisyo ng PNP at ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa ikadadali ng paglutas sa mga kaso at imbestigasyon.
“This strategy will also enhance transparency in police operations and help the PNP garner support from the public in its job of preventing crime,” ani Yamsuan na miembro rin ng House Committee on Public Order and Safety.
Ang isinusulong ni Marbil na digital transformation sa PNP ay mahalaga upang maisakatupad ang utos ni Pangulong Marcos na tugunan ang posibleng pagbangon ng mga pagbabanta sa kapayapaan at seguridad ng bansa gaya ng cybercrime, terrorism at transnational crimes.
Bilang dating opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ay iminungkahi ni Yamsuan sa bagong hepe na paigtingin pa ang regular training at edukasyon ng PNP uniformed personnel upang maging updated ang mga ito sa makabagong pamamaraan ng pag-iimbestiga sa kaso at maiwasan ang mga iligal na paghuli sa mga suspek at salarin.
Tinukoy pa ni Yamsuan bna marami ng pagdinig sa Kamara lalo na ng House public order and safety committee na maraming mga pulis ang nahaharap sa mga kaso ng paglabag sa operational procedures ng PNP at iligal na pag-aresto.
“We hope that under General Marbil’s leadership, the PNP would also invest in the training and continuing education of police officers to prevent misconduct and at the same time, improve the PNP’s evidence gathering techniques and conviction rates in criminal cases,” ayon pa rin kay Yamsuan.
Sa pinakahuling ulat aniya ng Department of Justice (DOJ) ay lumabas na 80 hanggang sa 90 porciento ng mga kasong naisampa sa prosecutors ay nadismis lamang ng korte dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya at technicalities o pagkakamali at kapabayaan ng mga pulis. Meliza Maluntag