Home NATIONWIDE Suspek sa rape arestado sa NAIA

Suspek sa rape arestado sa NAIA

MANILA, Philippines – Arestado ang isang rape suspek na top 1 Most Wanted Person sa District level sa isinagawang operasyon ng MPD-Warrant Section sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ang suspek na si Danloyd Campon y Loyola, nasa hustong gulang at residente sa Blk. 46 Lot 14-D Phase 3, E2, Longos, Malabon.

Kasama ng PNP-AVSEG at Airport Police Department, isinilbi ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section, Womens and Children Protection Section (WCPS) at Intelligence Section ng MPD Station 11 ang warrant of arrest na inilabas ni Hon. Judge Deligth ng Manila RTC Branch 29 laban kay Loyola.

Si Loyola ay may kinakaharap na kasong 3 counts ng Statutory Rape.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ni Loyola. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePagpapalakas sa PNP technology, suportado ng solon
Next articlePanawagan ni Alvarez sa pagbibitiw ni PBBM, tinabla ni Garin