Home NATIONWIDE Panawagan ni Alvarez sa pagbibitiw ni PBBM, tinabla ni Garin

Panawagan ni Alvarez sa pagbibitiw ni PBBM, tinabla ni Garin

MANILA, Philippines – Hinamon ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ang ilang kongresista na nagnanais na magbitiw na sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa tumataas na tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Panawagan ni Garin kay dating House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez ng Davao Del Norte na “maybe it would be a good contribution by the former Speaker to put forward solutions. Ano ba ang pwedeng solusyon dito sa dispute na ito? Ano ba ang dapat gawin instead of calling for a resignation? Because that [call for] resignation will not really solve the problem.”

Nais ni Alvarez na bumaba sa pwesto si PBBM dahil upang mabawasan aniya ang tension sa WPS na ayon sa ilang lider ng Kamara ay “thinly veiled attempt to expedite Vice President Sara Duterte’s ascent to the presidency, capitalizing on their shared pro-China stance.”

Kinuwestyon din ni Garin ang tunay na intension ni Alvarez para ipanawagan nitong bumaba sa pwesto si Pangulong Marcos gayung umiiral naman aniya sa saligang batas na maaaring hindi na muling iboto o idaan sa impeachment.

“Yung isang tao kapag binoto ng tao, ang makakatanggal sa kanya ay ang sambayanang Pilipino rin. It’s not fair for one person to call on the President to resign specifically if you cannot pinpoint the specific lapses,” giit ni Garin.

Naniniwala ang kongresista na ang suliranin sa WPS ay hindi kayang solusyonan ng isang magdamag lamang ng pangulo ngunit tiwala aniya siya rito at sa pangako nitong poproteksyunan ang soberenya ng Pilipinas.

“What is important is that we are seeing concrete steps. The leadership of our country will not yield even an inch of our territory. ‘Yung passion, determination and commitment na ‘yan, that is what is important,” ani Garin.

Giit pa ng mambabatas na ang usapin ng WPS ay hindi lamang sa pagitan ng Pilipinas at China kung sangkot din dito ang ilang bansang umaangkin gaya ng Vietnam, Thailand, Taiwan at Malaysia. Meliza Maluntag

Previous articleSuspek sa rape arestado sa NAIA
Next articleMister, todas sa bigti