Home METRO Mister, todas sa bigti

Mister, todas sa bigti

ILOCOS SUR-Tigok ang isang mister matapos na mabigti sa bayan ng Sta. Cruz ng lalawigang ito.

Ang 28-anyos na biktima ay nakitang may tali sa leeg na nakabitin sa puno ng bayabas sa kanilang likod-bahay bandang 2:30 kaninang madaling-araw.

Matapos maibaba ng kanyang pamilya sa pagkakabitin, ang biktima ay agad na isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa Sta. Lucia, Ilocos Sur.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Sinasabing ang biktima ay nakararanas umano ng depresyon dahil sa family problem. Rolando S. Gamoso

Previous articlePanawagan ni Alvarez sa pagbibitiw ni PBBM, tinabla ni Garin
Next articleBinatang wanted sa kasong statutory rape, 10 iba pa nalambat sa Bulacan