Home METRO Binatang wanted sa kasong statutory rape, 10 iba pa nalambat sa Bulacan

Binatang wanted sa kasong statutory rape, 10 iba pa nalambat sa Bulacan

Bulacan – Arestado ang 30-anyos na binatang Most Wanted Person (MWP) matapos silbihan ng warrant of arrest ng mga awtoridad sa bayan ng Norzagaray.

Kinilala ang wanted na si Prince Raven Ramos, naitalang Top 2 Provincial Level-MWP at Top 1 Municipal Level-MWP at residente ng Brgy. Matictic.

Sa report Kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, isinilbi ang warrant ng Norzagaray police station katuwang ang Bulacan PIT- East bandang 10:30 ng umaga nitong Abril 2 sa Brgy. Matictic

Nabatid na ang warrant sa kasong statutory rape by sexual assault ay inisyu ng Presiding Judge ng Family Court Third Judicial Branch 6, Sta. Maria, Bulacan nitong Pebrero 29 na walang inirekomendang piyansa.

Samantala huli rin ang 10 indibiduwal na wanted sa ibat-ibang kaso ng mga tracker team mula sa 1st at 2nd PMFC, San Jose Del Monte, Malolos, Baliwag, Sta. Maria, Meycauayan at Paombong police.

Himas-rehas na ang mga naarestong wanted sa istasyong humuli sa kanila. Dick Mirasol III

Previous articleMister, todas sa bigti
Next articleNATIONAL BROADBAND CONNECTIVITY TARGET NA MAKOMPLETO SA 2026