Home OPINION NATIONAL BROADBAND CONNECTIVITY TARGET NA MAKOMPLETO SA 2026

NATIONAL BROADBAND CONNECTIVITY TARGET NA MAKOMPLETO SA 2026

Isa sa mga programang pinakinabangan ng mga mamamayan mula pa sa nagdaang Duterte administration at ipinagpapatuloy sa kasalukuyang Marcos administration ang “Free Wifi for All Program”

Nasa 100,000 pamilya ang nakikinabang sa free internet service ng pamahalaan o katumbas ng 2.1 milyong indibidwal ayon sa DICT.

Isa sa pinatututukan ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. sa kanyang economic managers ang pagpapalakas at pagpapabilis ng internet speed sa bansa na kasalukuyang nasa 22.54 mbps pa lamang. Malayo-layo pa tayo sa ibang bansa.

Kung nais natin na makapag-imbita ng mga dayuhang mamumuhunan sa ating bansa, kailangan ang malakas na internet lalo pa’t karamihan ng mga pagpupulong ngayon ng mga multi-national companies ay online na.

Sinabi ng DICT o Department of Information and Communications Technology na base sa direktiba ni Pangulong BBM ay nais nitong makompleto ang natio­nal fiber backbone connecti­vity at ang paglalagay ng free Wi-Fi connections sa lahat ng Barangay sa buong bansa sa taong 2026 o dalawang taon bago matapos ang termino nito.

Kaya naman aktibo ang pamahalaan sa pag-imbita sa mga mamumuhunan na makibahagi sa internet connectivity pro­jects nito.

Bahagi ng pambansang programa ang paglalagay ng fiber backbone, isang secondary platform maliban pa sa mga itinayo ng mga commercial and public telecommunication entities, may lawak itong 28,000 fiber sa buong bansa.

Sa kasalukuyan, nasa 70% nang nagagawa sa Luzon area, at target na matapos hanggang Mindanao sa taong 2026.

Sisimulan na ng DICT ang proyekto ng Phases Two at Three at sa ngayon ay nagpapatuloy ang serye ng procurement process, kaagad na isusunod ang sa Visayas at sa Mindanao.

Target din ng DICT na makapaglagay ng hanggang 110,000 free Wi-Fi sites sa taong 2026 o hanggang kalagitnaan ng taong 2027.

May nakalaang budget dito na Php 50 billion.

Inaatasan ng Republic Act No. 10929 ang DICT na maglagay ng free Wi-Fi sa mga pampublikong lugar katulad ng mga parke, municipal hall, mga pampublikong paaralan, SUCs o state universities and colleges at iba pang mga pasilidad.

Nagpapatuloy ang DICT sa paglalagay ng free Wi-Fi na nakatuon muna sa mga itinuturing na GIDA o geographically isolated and disadvantaged areas.

Previous articleBinatang wanted sa kasong statutory rape, 10 iba pa nalambat sa Bulacan
Next articleCALOOCAN PARTNERS WITH USAID, PBEd