MANILA, Philippines – Uupo bilang chair ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang Timor-Leste sa 2029, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado, Nobyembre 14.
Ang anunsyo ni DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro ay kasabay ng press briefing at sinabing ito ay napagdesisyunan sa 39th ASEAN Coordinating Council meeting.
Igagawad naman ng Pilipinas ang ASEAN chairmanship sa susunod na linggo sa Singapore na magho-host naman ng summit sa 2027.
Thailand naman ang uupo sa ASEAN chairmanship sa 2028.
Ang Timor-Leste ang ika-11 miyembro ng ASEAN at naging miyembro lamang noong nakaraang taon. RNT/JGC