Home NATIONWIDE Senate probe result sa Duterte arrest isinumite na ni Sen. Imee sa...

Senate probe result sa Duterte arrest isinumite na ni Sen. Imee sa Ombudsman

Pormal na isinumite ni Sen. Imee Marcos sa Ombudsman ang ulat ng Senado kaugnay sa pag-aresto kay dating Pang. Duterte para dalhin sa The Hague, Netherlands.

Ayon sa liham na kalakip ng ulat, ibinunyag ng imbestigasyon ang posibleng mga krimen at administratibong paglabag ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno.

Hiniling ni Marcos na sila ay imbestigahan at papanagutin alinsunod sa batas. RNT