Home NATIONWIDE Senate probe sa PDEA leaks, tinindigan ni Bato: ‘Walang hidden agenda’

Senate probe sa PDEA leaks, tinindigan ni Bato: ‘Walang hidden agenda’

MANILA, Philippines – Tinindigan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa sinasabing PDEA leaks hinggil sa dokumentong nagsasabing na gumagamit ng droga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kasama sa nailigwak na dokumento mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang aktres na si Maricel Soriano na mahigpit nitong pinabulaanan.

Sa pahayag, sinabi ni Dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, na walang “hidden agenda” sa imbestigasyon ng alegasyon laban kay Marcos at Soriano.

Aniya, mananatili ang kanyang pagiging objective sa imbestigasyon saka titimbangin ang testimonya at dokumento na ilalatag sa pagdinig upang matukoy ang katotohanan at Kasinungalingan.

“Kaya nga tayo nagkakaroon ng hearing to hear everyone, para pakingggan natin sila, wala po tayong hidden agenda dito. It’s up for us to evaluate yung mga sinasabi nila kung totoo ba yun o hindi,” ayon sa senador.

Tinutukoy ni Dela Rosa ang pangunahing resource persons sa imbestigasyon, si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales—na matinding binabatikos sa pagbubulgar ng alegasyon sanhi ng kawalan ng mapagkakatiwalaang ebidensiya.

Ibinulgar ni Morales na gumagamit ng illegal drugs si dating senador, ngayong President Marcos kasama ang actress na si Soriano.

Mahigpit na pinabulaanan din ni Dela Rosa, dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na kanyang ibinabandila ang Kasinungalingan o legitimizing falsehoods.

“In fact, si Morales mismo mayron siyang sinasabi na pinapaniwalaan ko, mayron din siyang sinasabi na medyo alanganin ako. Just to set the record straight,” aniya.

“And rest assured, I will do my best as chairman of the committee na hindi magagamit ang committee na ito for any hidden agenda, political or personal agenda ng ibang tao,” ayon sa senador.

“Itataya ko ang buhay ko dito sa hearing na ito as far as objectivity and neutrality is concerned,” patuloy niya.

Hinggil naman sa legal proceedings na kinahaharap ni Morales, sinabi ng senador na ipagpapatuloy nito ang pagkapantay-pantay bilang resource person dahil mayroon itong katotohanan.

“How unfair could we be kung hindi natin siya papaniwalaan?” tanong ni Dela Rosa.

Tiniyak din ni Dela Rosa kay Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na hindi n ito ipapahiya ang Senado at ipagpatuloy ang pagtitiwala sa kanya sa imbestigasyon. Ernie Reyes