MANILA, Philippines – Tila may kabalintunaan sa naging pagkilos ni Senador Imee Marcos hinggil sa paratang ng katiwalian sa kasalukuyang administrasyon na ibinulgar ng ilang dating miyembro ng Philippines Marines na itinaon sa pagdiriwang ng EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa diktaduryang Marcos noong 1986.
Sa pahayag, sinabi ni Marcos na nakapaghain siya ng Senate Resolution No. 317 na naglalayong magsagawa ng imbestigasyon sa delivery scheme na kinasasangkutan ng ilang military personnel na tauhan ni Rep. Zaldy Co at pakikipagtulungan ng ilang opisyal ng pamahalaan sa International Criminal Court.
“Kung may paratang, ilatag ninyo nang malinaw. Kung may ebidensya, ilabas ninyo nang buong tapang. Kumbaga sa maleta, mananatiling sikreto ang laman nyan kung hindi ilalatag sa lamesa at bubuksan. Dito natin buksan sa senado at suriin ang maleta ng katotohanan,” ayon kay Imee Marcos.
Binanggit umano sa affidavit ng12 dating sundalo ng Philippine Marines na naghatid sila ng male-maletang pera sa tahanan ni Pangulong Marcos at Liza Araneta Marcos sa Ilocos Norte.
Partikular na binanggit ng dating sundalo na naghatid sila ng male-maletang pera sa tahanan ng Pangulo sa Paoay, Batac, Ilocos Norte kahit nasa Laoag City ang opisyal na tahanan ng chief executive.
Tinanggap umano ang pera ni Rep. Sandro Marcos, pamangkin ni Imee, ilang oras matapos dumating sina BBM at Liza Marcos sa binanggit na tahanan nito sa Paoay.
“Hindi maaaring trial by publicity ang mangyari. Hindi maaaring ang institusyon ng Senado at pati na rin ang Kongreso at ang dangal ng bawat halal ng bayan, Senado man o Kongresista ay mayurakan nang walang kalaban-laban,” ayon kay Imee Marcos.
Base sa resolusyon, sinabi ni Imee Marcos na “considering the gravity of the allegations in the joint-affidavit, the details attendant thereto, and the possible proof attached therein, it is imperative that the veracity thereof be ascertained, witnesses b given immediate protection, and evidence be preserved.”
“Therefore, be it resolved, as it is hereby resolved by the Philippine Senate, that the appropriate Senate committee be directed to conduct an inquiry, in aid of legislation, into the alleged money delivery scheme involving former military personnel emplioyed by Zaldy Co and the reported cooperation of certain government officials with the International Criminal Court (ICC),” ayon sa resolusyon.
Ipinagdiriwang ngayon, February 25, 2026 ang ika-40 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa diktaduryang Marcos noong 1986 na nagluklok kay dating Pangulong Corazon C. Aquino sa kapangyarihan.
Batid ko na nagpahayag kayo na nais ninyong tayuan ang mga pahayag ninyo under oath— yan din ang aking inaasahan at susubaybayan; tama ang hakbang na iyan upang maging opisyal ang lahat.
Pinoprotektahan ko ang Senado hindi dahil sa mga personalidad, hindi dahil kaibigan ko sila, kundi dahil ito ang tinig at tanggulan ng ating bansa.
Kaya kung ang mismong tanggulan ang inaakusahan, marapat din na dito magharap-harapan na.
Sa ilalim ng panunumpa. Sa ilalim ng batas. Sa harap ng taumbayan.
Huwag tayong masiyahan sa likod lamang ng isang press conference. Kung kayo’y tunay na naglilingkod sa katotohanan, magharapan tayo dito sa Senado. Ang Senado ay hindi tatakbo o tatalikod— lalo na kung may mga nadawit na hindi dapat.
Sa aking mga kasama na senador, ito rin ang pagkakataon para linisin ang inyong pangalan at itindig ang dangal ng institusyon. Ernie Reyes