Home NATIONWIDE Senate probe vs POGO pagbibigay-katarungan sa trafficking victims – Hontiveros

Senate probe vs POGO pagbibigay-katarungan sa trafficking victims – Hontiveros

139
0

MANILA, Philippines- Hindi ititigil ng Senado ang isinasagawang imbestigasyon sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa kabila ng total ban na ideneklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ni Hontiveros na layunin din ng imbestigasyon na mabigyan ng katarungan ang lahat ng biktima ng human trafficking at iba pang krimen na ginawa ng POGO sa ilang indibidwal, dayuhan man o Pilipino.

“It’s not over yet. Hindi lang naman si Mayor [Alice] Guo ang iniimbestigahan dito, kundi ang buong industriya ng POGO na nagdala ng samu’t saring krimen sa bansa,” ayon kay Hontiveros.

“Kahit inanunsyo na ang pag-ban ng POGO, oversight function ng Senado ang matiyak na ang phaseout ay tunay na maipapatupad, na ang mga sangkot sa krimen ay matukoy, ang mga victim-survivors ay mabigyan ng hustisya, at na ang mga manggagawa ay mabigyan ng just transition,” giit pa niya.

Sinabi pa ni Hontiveros na kailangang matiyak din ng Senado na natugunan ang “regulatory failures” sa POGO.

“Maraming institusyon ng gubyerno ang mukhang na-korap ng mga POGO at kailangan tugunan ito ng mga polisiyang maaaring isulong namin sa Senado,” paliwanag niya.

Nakatakdang ipagpatuloy ang imbestigasyon ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality sa Lunes, Hulyo 29.

Bukod sa illegal POGO, iniimbestigahan din ng Senado si Alice Guo o Guo Hua Ping, isang Chinese national na nameke ng birth certificate at iba pang pagkakakilanlan na naging alkalde ng Bamban, Tarlac.

Natuklasan ng awtoridad sa kuta ng POGO sa Bamban, ang illegal na aktibidad, ilang dokumento na tumutukoy sa gawain ito, protektor ng industriya at sangkot sa kanilang operasyon.

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation na magkatulad ang fingerprint ni Guo sa isang Chinese national na si Guo Hua Ping. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here