Home METRO Milyong halaga ng droga, 2 granada kumpiskado sa 3 kelot

Milyong halaga ng droga, 2 granada kumpiskado sa 3 kelot

112
0

MANILA, Philippines- Tatlong kalalakihan ang naaresto makaraang mabilihan ng droga at makuhanan pa ng granada s  isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU)  sa North Triangle parking sa loob ng Riverbanks Mall, Brgy. Barangka, Marikina City.

Base sa nakalap na report, kinilala ang mga naaresto na sina alyas Alex, 36, taong gulang, binata, tubong-Lanao na nakatira sa Brgy. Silangan San Mateo, Rizal, alyas Tonyo, 42, construction worker at kasama sa listashan ng unified watch, tubong-Caloocan, residente sa Purok 1 Zone 8, Brgy. Cupang Antipolo City at alyas Reyner, 40-anyos, tubong-San Juan City at kasalukuyang nakatira sa Purok 1 Zone 8 ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni PSSG Ryan Requintina, may hawak ng kaso, nagsagawa ng bust operation ang operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PCapt Richard Ebio kung saan dalawang pulis na sina Pcpl Charlton Papelarin at Cpl James Carceller ang nagsilbing porsuer buyer laban sa suspek na si alyas Alex at napagkasunduan na magtatagpo sa loob ng Riverbanks  Mall ng nasabing.lungsod.

Dakong alaS-9:30 kamakalawa ng gabi nang nadakip ang mga suspek sakay ng isang  Mitsubishi Adventure na kulay itim na may plakang VBX 955.

Nakumpiska mula sa mga ito ang nasa humigit-kumulang sa 150 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,020,000, dalawang granada, isang unit ng Mitsubishi Adventure na kulay itim na may plakang VBX 955, isang cellular phone na Infinix,1 plastic box na kulay itim at P1,500 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Batay sa ulat,matagal nang target si alyas Alex dahil sa mga impormasyong natatanggap ng pulisya kaugnay sa pagbebenta umano ng droga sa nasabing lungsod.

Nasa kustodiya ngayong ng Marikina CPS ang mga suspek na nahaharap sa kasong Violation of Article 11, Sec 5 at Sec 11 ng RA 9165. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here