Home METRO Vietnamese timbog sa pagbebenta ng ilegal na droga

Vietnamese timbog sa pagbebenta ng ilegal na droga

113
0

MANILA, Philippines- Inaresto ng National Bureau of Investigation – Dangerous Drugs Division (NBI- DDD) ang isang Vietnamese national dahil sa pagbebenta ng illegal drugs sa Parañaque City.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na ang dayuhan ay naaresto sa buy-bust operation noong Hulyo 10 matapos magbenta ng ecstacy at Ketamine sa poseur buyer.

Ayon kay Santiago, pagkatapos ng follow-up ay nag-apply ang NBI ng search warrant para mahalughog ang kanyang bahay at nakuha ang milyong halaga o daan-daang tablet ng ecstacy at Ketamine.

Natagpuan din ang teddy bears na umano’y pinagtataguan ng mga droga kapag idinedeliver sa kanyang mga kliyente.

Ayon sa ahensya, ang isang tablet ng ecstasy ay nagkakahalaga ng P2,000 habang ang ketamine ay nagkakahalaga ng P12,000 kada gramo.

Maliban dito, sinabi ng NBI na nakakita sila ng mga dokumentong nagpapakitang nabigyan ang suspek ng 9G working visa, na tila peke.

Narekober din ng mga awtoridad ang mga timbangan, mga bundle ng cash, at mga plastic sachet.

Sinabi ng NBI na mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 ang Vietnamese na inihain sa City Prosecutor ng Paranaque. 

Sasampahan din ng karagdagang reklamo ang dayuhan dahil sa palsipikasyon ng mga dokumento at ilegal na paggamit ng mga alyas, ayon sa NBI. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here