Home NATIONWIDE Senate shooting na sinasabing ‘palabas lang’, bahagi ng imbestigasyon ng NBI, PNP

Senate shooting na sinasabing ‘palabas lang’, bahagi ng imbestigasyon ng NBI, PNP

66
0

MANILA, Philippines – Bahagi ng imbestigasyon ng sanib-puwersang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang sinasabing ‘palabas lamang’ o pagtatanghal lamang ang nangyaring gulo sa Senado, araw ng Miyerkules.

“Well, that is a part of an ongoing investigation – ipinasok naman po lahat iyan. Sa ngayon po, magkatulong po ang NBI at ang PNP rerebyuhin po natin iyong mga footages kung may mga CCTV at we will use po iyong atin pong mga forensic capabilities para malaman po natin kung ano po talaga iyong nangyari ‘no po,” ang sinabi ni Director Melvin Matibag sa press briefing sa Malakanyang.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni PNP spokesperson Police Brigadier General Randulf Tuaño. “Hindi po natin sinasabi na stage o hindi yung nasabi pong pangyayari…Kasama po lahat ng angulo na matatanggap po ng PNP.”

Kinuwestiyon naman ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ng PNP ang hindi karaniwan na high trajectory ng bullet shots.

“Sinasabi nga natin tinitingnan natin yung mga katanungan ng taga-DIDM na bakit mataas, yung mga trajectory ng bala,” anito.

“Ang makakasagot lang po niyan yung forensic. Malalaman natin iyan sa forensic report kung ito po ay nanggaling sa loob o sa labas,” ang ipinahayag ni Tuaño.

Ang lahat naman ng personnel na present sa insidente kabilang na ang security forces, iping-utos na sumailalim s paraffin tests. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here