Home METRO ‘Senglot’ na enforcer sa EDSA Busway natukoy na

‘Senglot’ na enforcer sa EDSA Busway natukoy na

104
0

MANILA, Philippines- Kilala na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang motorcycle-riding traffic enforcer na lasing umano nang mahagip ng sasakyan nito ang dalawang pasahero sa  EDSA Busway sa Quezon City.

Ayon kay MMDA Chairperson Romando Artes nitong Martes, naglabas na ng suspension order laban sa enforcer, kung saan nakatakdang mahain ng formal complaint laban sa kanya.

Base sa ulat, ang traffic enforcer ay kasalukuyang “absent without official leave.”

Batay sa video footage na ibinahagi ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation Department of Transportation (SAICT-DOTr), makikita na dakong ala-1 ng madaling araw nitong Sabado, Disyembre 30, 2023, sa southbound portion ng EDSA Busway malapit sa Main Avenue sa Quezon City ang isang nakaunipormenh MMDA enforcer na tila hirap sumakay sa kanyang motorsiklo.

Humingi naman ng tulong ang isa pang motorista at bus conductor mula sa naka-duty na Philippine Coast Guard (PCG) personnel sa lugar, na nakipag-usap sa MMDA enforcer at pinigilan itong umalis sa lugar.

Ayon sa DOTr, tumanggi ang enforcer na ibigay ang kanyang driver’s license at galit na sinabi sa mga miyembro ng PCG na dapat siyang tulungan dahil kapwa sila nangangasiwa sa batas-trapiko. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here