Home METRO Ilang bahagi ng W. Visayas sapul ng power outage

Ilang bahagi ng W. Visayas sapul ng power outage

MANILA, Philippines- Apektado ang ilang lalawigan sa Western Visayas ng power outage nitong Martes ng hapon matapos masira ang ilang power plants sa Panay Island, ayon sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP).

Anang NGCP, pumalya ang ilang planta sa isla dahil sa hindi matukoy na rason.

“NGCP is focusing its efforts on stabilizing voltage, and have extended feedback power to Iloilo and PEDC (Panay Energy Development Corp.),” pahayag ng grid operator. “Load restoration will be done conservatively, by matching loads to restored generation, to prevent repeated voltage failure.”

Naglabas naman ng abiso ang iba’t ibang electric cooperatives mula sa Iloilo, Guimaras, Capiz, Negros, Antique, at Aklan kasunod ng biglaang power interruption.

Inalis ng NGCP ang yellow alert sa Visayas grid pagsapit ng alas-9:01 ng gabi.

Subalit, hanggang alas-9:30 ng gabi, apat pa lamang sa 13 power plants ang muling gumagana sa Panay Island, batay sa NGCP.

“Restoration of affected plants is ongoing,” dagdag ng grid operated. “While NGCP did not implement manual load dropping, distribution utilities may implement load drops due to voltage sensitive loads or manual disconnection to secure voltage levels.”

Samantala, sinuspinde ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang klase sa lahat ng lebel sa probinsya dahil sa power interruption. RNT/SA

Previous articleAkmang transisyon sa pagpapatigil ng SHS program sa SUCs, hirit ng solon
Next article‘Senglot’ na enforcer sa EDSA Busway natukoy na