MANILA, Philippines- Hiniling ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa Department of Education at Commission on Higher Education na tiyakin na mayrong tamang koordinasyon hinggil sa pagpapatigil ng senior high school (SHS) programs salocal t state universities and colleges.
Sinabi ni Villanueva na alinsunod ang kahilingan sa mandato ng Senado hinggil sa programa para sa higher educational institutions (HEIs).
“While they were allowed to provide SHS during the transition period, we agree that it is not the role of HEIs to offer basic education, except for those with laboratory schools,” ayon kay Villanueva.
Nanawagan ang senador sa naturang ahensya ng pamahalaan ng maayos ang transisyon at ikonsidera kung paano maaaapektuhan ng pagbabago ang estudyante.
“Ensure that there will be no disruption in the education of our students and that there is sufficient DepEd or private sector capacity to take it on,” aniya.
Sa kautusan ng CHED na ipinalabas nitong Disyembre 18, nililimitahan ang papel ng lokal at state universities and colleges hanggang sa school year of 2020 – 2021 lamang.
“There should be no more Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) beneficiaries from SUCs/LUCs, except those who will be entering Grade 12 in SY 2023-2024 to finish their basic education and that SUCs and LUCs with laboratory school can accept enrollees but will no longer receive vouchers,” ayon sa CHED memorandum.
Nilimitahan din ng memorandum ang mandated laboratory schools sa SHS enrollees hanggang 750 students lamang. Ernie Reyes