Home METRO Senglot pinalakol ng katomang ‘buang’

Senglot pinalakol ng katomang ‘buang’

Bulacan – Arestado ang 49-anyos na lalaking ilang beses namalakol ng 46-anyos na lalaking kainuman sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang suspek na si Val Balibalos, may live-in partner, construction worker, habang ang biktima ay si George Acong kapwa residente Brgy. Minuyan V.

Sa report ng SJDM police station kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, nangyari ang insidente bandang alas-11:45 ng hatinggabi nitong Disyembre 31, 2023.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, masayang nag-iinuman ang biktima at ang suspek kasama ang ilang kaanak niya nang biglang magalit ito nang walang dahilan.

Nabatid sa imbestigasyon na walang kaabog-abog na biglang pinagpapalakol ng suspek ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nang humupa ang sigalot ay agad dinala ang sugatang biktima sa District Hispital para sa paunang lunas.

Nahaharap ang suspek sa kasong Frustrated Murder habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III