Home METRO Sekyu umawat sa pambubugbog, patay!

Sekyu umawat sa pambubugbog, patay!

MANILA, Philippines- Isang lalaki ang naaresto habang pinaghahanap ang tatlong kasamahan nito na nagtulong-tulong na saksakin hanggang sa napatay ang isang security guard na nagtangkang umawat sa kaguluhan at bugbugan sa Silang, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang naarestong suspek na si alyas ‘Angelo,’ 35, isang construction worker ng Sitio Carpel Brgy. San Vicente 2, Silang, Cavite habang tinutugis ang kasamahan nito na sina alyas ‘Jonjon,’ alyas ‘Patrick,’ at alyas ‘Flores’ na tumakas matapos ang krimeng pagpatay ng mga suspek sa biktimang si Joel Escaros y Baclayon, 38, tubong-Gumaca Province at residente ng Sitio Carpel, Brg. San Vicente 2, Silang, Cavite at pambubugbog sa isa pang lalaki na kinilalang si Jaymark Vera Y Gabuso, 25, empleyado ng Starkzon ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ni PCpl Ralph Jayson Santos ng Silang MPS, nag-iinuman ang mga suspek sa Sitio Carpel Brgy.San Vicente 2, Silang, Cavite dakong alas-2:30 ng madaling araw nang hamunin sa suntukan ni alyas ‘Angelo’ ang isang Renyboy Santander na noon ay napadaan lamang sa lugar.

Nagising naman sa ingay si Jaymark Vera y Gabuso, 25, kaya lumabas ito at namagitan subalit ikinagalit ito ng mga suspek kaya sinuntok ito sa mukha ni alyas ‘Angelo’ habang pinalo naman ng bote sa ulo ni alyas ‘Dondon.’

Nagising din sa ingay ang biktima (sekyu) kaya lumabas din ito at sinaway din ang mga suspek subalit halip na pakinggan ay hinawakan ito nina alyas ‘Dondon’ at alyas ‘Patrick’ habang pinagtulungan namang pagsasaksakin sa dibdib nina alyas ‘Angelo’ at alyas ‘Flores’

Matapos ang pananaksak ay tumakas ang mga suspek subalit sa isinagawang follow-up operation at naaresto si alyas ‘Angelo’ habang ang mga biktima ay isinugod sa Estrella Hospital subalit idineklarang dead on arrival. Margie Bautista

Previous articleOFW sapul ng ligaw na bala pagsalubong sa 2024
Next articleSenglot pinalakol ng katomang ‘buang’