Home METRO OFW sapul ng ligaw na bala pagsalubong sa 2024

OFW sapul ng ligaw na bala pagsalubong sa 2024

Bulacan – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang OFW matapos tamaan ng ligaw na bala sa kasagsagan ng pagsalubong sa bagong taon sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jeffrey Ariaso, 36, OFW, may asawa, residente ng Brgy. Kaypian.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ng SJDM police station, nangyari ang insidente bandang alas-12:05 ng madaling araw nitong January 1, 2024.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl. Mikko Centeno, nakatayo lamang ang biktima sa harapan ng bahay niya noong oras na iyon nang tamaan ng bala sa kanyang kaliwang paa.

Dahil dito, agad dinala ng mga kaanak ang biktima sa Tala Hospital, Caloocan City para sa paunang lunas.

Narekober ng mga awtoridad sa lugar ang dalawang slugs mula sa hindi malamang kalibre ng baril.

Patuloy ang follow-up investigation ng mga awtoridad sa naturang insidente. Dick Mirasol III

Previous articleHigit 100K pasahero dumaan sa PH ports – PCG
Next articleSekyu umawat sa pambubugbog, patay!