MANILA, Philippines- Umabot na sa mahigit 100,000 mga pasahero sa bansa ang naitala sa pagpapatuloy ng OPLAN BIYAHENG AYOS PASKO ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).
Batay sa monitoring ng (PCG) umakyat sa 71,861 na outbound passengers at 54,139 inbound passengers sa lahat ng daungan sa buong bansa.
Bukod dito, mahigpit parin ang seguridad ng 2,700 naka-deploy na frontline personnel sa lahat ng istasyon at substations sa 15 PCG Districts, bago bumiyahe, kung saan nakapag-inspeksyon ang PCG ng 459 sasakyang pandagat at 1,342 motorbanca.
Hanggang bukas na lamang mananatili sa heightened alert ang PCG para pamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa.
Asahan pa rin na marami pa ang hahabol na mga pasahero sa pagbabalik sa kanilang trabaho at eskuwela. Jocelyn Tabangcura-Domenden