Home METRO Senior citizens tour guide wanted sa Intramuros

Senior citizens tour guide wanted sa Intramuros

241
0

MANILA, Philippines – Tinitingnan ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) na mag-empleyo ng senior citizens bilang tour guides sa Intramuros ngayong Agosto.

Sa anunsyo ni NCSC Chairperson Mary Jean Loreche, plano nilang ilunsad ito sa Agosto para sa tour guiding sa mga cultural heritage sites, at inaasahang bago matapos ang taon ay magkakaroon na rin ng ganitong programa sa mga hotel at resort.

Inilarawan ni Loreche ang papel ng tour guide bilang “his and her story” ng mga senior citizen.

Ang trabaho ng tour guide ay bahagi ng inisyatiba ng NCSC na palawakin ang inclusive at sustainable livelihood at training programs para sa mga senior citizen, sa pakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Tourism (DOT) at sa pribadong sektor.

Ang inisyatiba ay naglalayong mabigyan ang mga nakatatandang Pilipino ng praktikal na kakayahang makabuo ng kita habang isinusulong ang kanilang patuloy na pakikilahok sa mga aktibidad sa komunidad at ekonomiya.

Sinabi ni Loreche na ang mga interesadong lumahok sa programa ay maaaring lumapit sa DOT o sa NCSC.

Ibinahagi rin niya na ang NCSC ay makikipagpulong sa Department of Agriculture upang tulungan ang mga senior citizen na makapagtayo ng kanilang sariling agribusiness.
(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here