Home NATIONWIDE Senior deputy ES Guevara itinalagang SEC commissioner

Senior deputy ES Guevara itinalagang SEC commissioner

MANILA, Philippines- Inilipat ni Pangulong Marcos si Senior Deputy Executive Secretary (ES) Hubert Guevara mula sa Office of the President (OP) sa Securities and Exchange Commission (SEC) bilang isa sa commissioners nito.

Inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) ang appointment ni Guevara noong Feb. 29.

Hindi na bago si Guevara, dating partner sa ACALaw, sa SEC. Nagsilbi siyang direktor ng Compliance and Enforcement Department nito noong 2004.

Nasa ilalim ang SEC, kasalukuyang pinamumunuan ni Emilio Aquino, ng Department of Finance (DOF).

May hurisdiksyon ang SEC sa lahat ng korporasyon, partnerships, o mga asosasyon na grantees ng primary franchises o license o permit na inisyu ng pamahalaan.

Tungkulin nitong lumikha ng mga polisiya at rekomendasyon sa mga isyu hinggil sa securities market at payuhan ang Kamara at iba pang government agencies sa lahat ng aspeto ng securities market.

May awtoridad din ang SEC na aprubahan, ibasura, bawiin, suspendihin, o magtakda ng amendments sa registration statements, at registration at licensing applications. RNT/SA

Previous articleHeart, aminadong nagpa-botox!
Next articleIsmagel na Bugatti sports car pinaiimbestigahan ng DOTr sa NBI