Home ENTERTAINMENT Heart, aminadong nagpa-botox!

Heart, aminadong nagpa-botox!

Manila, Philippines- What do Heart Evangelista, Alex Gonzaga and a few celebrities have in common?

Bukod sa nasa pulitika ang kanilang respective husbands ay aminado rin silang dumaan sa “syensiya.”

Kung si Alex ay proud she had a nose job, ipinagmalaki naman ni Heart sa kanyang latest vlog na sumailalim naman siya sa botox.

Heart had her bevy of girl buddies as guests on her vlog.

Pagpapa-botox ni Heart ang kanilang topic.

Doon ay buong inamin ng fashion icon-actress na ipina-botox niya ang kanyang leeg at mukha.

Five years ago raw noong dumaan siya sa procedure on her neck, hence wala raw muscle control ang leeg niya.

Heart had to be honest with her friends na hindi makapaniwalang wala na nga siyang muscle control.

On her face naman, one or two years ago raw ‘yon when she had botox.

Bale ba, may ibinahaging nakakatawang kuwento si Heart at a photo shoot.

May look kasi si Heart na nakaarko ang kanyang kilay, and this is the one the photo shoot people wanted to achieve.

Kaso, nawala raw sa isip ni Heart na nagpa-botox siya ng mukha.

Entonces mahihirapan nga naman niyang pagalawin ang kanyang facial features.

The same applies sa isang multi-awarded actor in his late 60s.

Hindi n’yo ba napapansin na hindi sumasabay sa kanyang mukha sa tuwing magsasalita siya, as in hindi na gumagalaw ang kanyang panga at pisngi.

Bakit? Nagpa-botox na rin kasi ang aktor na nakapansing nagsa-sag ang mukha niya. Ronnie Carrasco III

Previous articleQR codes sa mga ambulansya binubusisi vs ‘colorum’
Next articleSenior deputy ES Guevara itinalagang SEC commissioner