Home HOME BANNER STORY QR codes sa mga ambulansya binubusisi vs ‘colorum’

QR codes sa mga ambulansya binubusisi vs ‘colorum’

MANILA, Philippines- Inihayag ng Land Transportation Office (LTO) nitong Biyernes na kinokonsidera nito ang paggamit ng QR codes para sa mga lehitimong ambulansya upang mapadali ang pagtukoy ng traffic enforcers sa mga ito mula sa dumaraming bilang ng rising “colorum” na ambulansya sa mga kalsada.

Sinabi ni LTO Director for Law Enforcement Service Francis Ray Almora na kailangang makipag-ugnayan ng LTO sa Department of Health (DOH) sa insiyatibang ito dahil ang ahensya ang mga hawak ng licensing ng mga ambulansya.

 “Maglagay sila ng QR code for us, for all the other law enforcement officers… Makikita on the ground kung ito nga ay licensed to operate, did this unit pass through the DOH assessment,” ani Almora sa sidelines ng isang forum kasama ang iba pang stakeholders.

Base kay Almora, naoobserbahan ng LTO ang dumaraming mga sasakyang tinukoy bilang ambulansya subalit sinabi niyang “they violate everything in the land transportation rules and regulations.” 

“Under the land transportation laws, ambulances should only have the blue lights. The red, white and blue are for enforcement. But why is it that all these ambulances have these red, white and blue (blinkers)?” aniya.

“Even if there’s no patient, they are using their blinkers. But when we check, they say ‘we are on our way to get a patient’. So all of these are challenges that the law enforcement are met with on the road,” dagdag ni Almora. 

“We have apprehended one ambulance wherein instead of equipment inside the supposed ambulance, what are inside are passengers, individuals being transported from one area to another area. We interviewed the driver and he could not even prove that he is a driver,” ayon naman kay Department of Transportation Command and Control Operation Center (DOTr-COCC) Chief Charlie Del Rosario.

“These are not just embarrassing but this is actually threatening the very core of road safety because they are using blinkers, sirens under the guise of an emergency,” patuloy niya.

“Yung ambulance is supposed to respond to emergency cases so yung purpose talaga is to save lives. Yung patient transport vehicle, kaya hindi namin nililisensyahan, it only needs to be registered, kasi non-emergency cases yan. Like kunyari, di kayang pumunta (ng pasyente) sa dialysis center, tutulungan ng patient transport vehicle,” paliwanag ng kinatawan mula sa DOH, ang health physicist na si Alfonso Favis, 

Ani Favis, maaaring bigyan ng DOH ang local government units ng deadline upang makatalima sa kanilang guidelines.

Wika ni Almora, makikipag-ugnayan din ang LTO sa DILG para sa “uniform implementation nationwide.”

 “Most of these violators are also government vehicles so we do some intensive information campaign,” pahayag niya. RNT/SA

Previous articleMas malalang El Niño nagbabadya – PAGASA
Next articleHeart, aminadong nagpa-botox!