LUCENA CITY- Arestado ang isang 65-anyos na umano’y drug pusher nitong Lunes sa lungsod na ito.
Sinabi ni Lieutenant Colonel Dennis de Guzman, Lucena City police chief, sa ulat nitong Martes na isang alyas “Pagkit” ang hawak ng police drug enforcement unit matapos umanong magbenta ng P500 halaga ng shabu (crystal meth) sa isang undercover cop sa Barangay Ibabang Iyam ng alas-6:48 ng gabi.
Ang suspek, tinukoy na street-level drug pusher sa police watchlist, ay nakuhanan ng tatlong plastic sachets ng meth sa loob ng kaha ng sigarilyo. Mayroon itong street value na P65,280.
Inilarawan ang suspek sa ulat na “jobless” na ang pagbebenta ng droga ang naging kabuhayan.
Kasalukuyang nakaditene ang suspek at nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA