MANILA, Philippines- Nanumpa ang mga bagong opisyal ng Manila City Hall Press Club (MCHPC) kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez nitong Martes, Nobyembre 5, 2024.
Ang Manila City Hall Press Club ay ang kauna-unahang samahan ng mga mamahayag sa Pilipinas.
Ito ay itinatag noong 1955.
Kabilang sa mga nanumpa kay Sec. Chavez sina Jocelyn Tabangcura-Domenden ng Remate Online/Pfiles (President); Benjamin Cuaresma ng Maharlika.Tv (Vice President); Gene Adsuara ng People’s Balita (Secretary); Emmanuel Mortega ng RMN/DZXL (Treasurer); Crismon Heramis ng Remate (Chairman of the Board ; at mga Directors na sina Felix Laban ng DZME; Lorenz Tanjoco ng Radyo Pilipinas at Edd Reyes ng People’s Journal/People’s Tonight gayundin si Bishop Jess Basco ng People’s Balita at Isa sa tumatayong Adviser ng grupo.
Hindi naman nakadalo sa oath taking ang iba pang bagong opisyal na sina Marvin Empaynado ng People Tonight (Auditor); mga Directors na sina Madz Villar ng Net25; Jonjon Reyes ng People’s Tonight at Nan Ramos ng Police Files Tonite at Advisers na sina JR Reyes ng Remate News Central at Aya Yupangco ng DWIZ.
Isang malaking karangalan naman para sa grupo na makapanumpa sa harap ni Cesar Chavez dahil siya ay kinikilala sa industriya. Isa siyang idolo at respetadong tao.
Lubos ang pasasalamat ng MCHPC sa oras at panahon na ibinigay ng kalihim para sa nasabing kaganapan.