Home METRO Senior nabudol, P700K tinangay

Senior nabudol, P700K tinangay

MANILA, Philippines – Natangay ang mahigit P700,000 mula sa isang senior citizen matapos itong mabudol ng tatlong babae sa Cebu City.

Ayon sa ulat, ang biktima ay isang retiradong government employee na nag-withdraw ng pera matapos siyang ma-hypnotize ng mga suspek.

Nangangalap na ang mga awtoridad ng CCTV footage upang matukoy ang mga suspek na posibleng miyembro ng budol gang.

Samantala, nagbabala naman ang pulisya sa publiko na huwag agad-agad magtitiwala o makikipag-usap sa mga hindi kilala upang maiwasan ang kaparehong insidente. RNT/JGC