Home NATIONWIDE Luzon grid isasailalim sa yellow alert ngayong hapon

Luzon grid isasailalim sa yellow alert ngayong hapon

MANILA, Philippines – Muling ilalagay ang Luzon power grid sa yellow alert ngayong hapon ng Biyernes, Mayo 31 dahil sa manipis na supply reserves.

Sa grid bulletin, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ilalagay sa yellow alert ang power transmission system ng Luzon mula alas-2 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon, at alas-6 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.

Ang yellow alert ay inilalagay kapag ang operating margin ay kulang para matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.

Sinabi na ang Luzon grid ay may available capacity na 14,086 megawatts (MW) laban sa peak demand na 12,970MW.

“Two plants have been on forced outage since 2023, three between January and March 2024, and 10 power plants between April and May 2024; while nine are running on derated capacities, for a total of 2,598.3MW unavailable to the grid,” ayon sa NGCP.

Ito ay kasunod ng forced outage ng mga sumusunod na planta: Pagbilao 1 (382MW), 2 (382MW), QPPL (460MW), San Lorenzo 50 (265MW), Limay 7 (70MW) at deration ng mga sumusunod na planta: Masinloc 1, Masinloc 2, Masinloc 3, Sual 2, Limay 8, Limay 2, GNPD 2, Calaca 2

“The Visayas and Mindanao grids are under normal condition,” anang NGCP. RNT/JGC