Home NATIONWIDE Agri damage sa bagyong Aghon, pumalo sa P21M

Agri damage sa bagyong Aghon, pumalo sa P21M

MANILA, Philippines – Nagdulot ng pinsala sa agrikultura na aabot sa P21 milyon ang bagyong Aghon, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes, Mayo 30.

Sa ulat, aabot sa P448,300 ang halaga ng pinsala sa livestock, poultry at fisheries, dagdag sa 292.9 ektaryang sakahan na apektado ng bagyo.

Pitong katao naman ang nasawi ngunit isa pa lamang ang kumpirmado ng NDRRMC sa ngayon.

Walo katao ang nasaktan, at 51,858 katao o 16,404 pamilya ang apektado ng bagyong Aghon, karamihan sa mga ito ay mula sa CALABARZON at Bicol region. RNT/JGC