Home NATIONWIDE House leaders sa Senado: Tinig ng mamamayan sa Cha-cha, pakinggan

House leaders sa Senado: Tinig ng mamamayan sa Cha-cha, pakinggan

MANILA, Philippines – Nanawagan ang tatlong lider ng Kamara sa Senado na dapat pakinggan nito ang tinig ng mamamayan, kasunod ng lumabas na resulta ng survey kung saan 57% ng mga Filipino ang sumusuporta sa proposed amendments sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.

Sa joint statement nitong Huwebes, Mayo 30, sinabi nina
Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez, at Majority Leader Manuel Jose Dalipe na ang mga resulta sa survey na ginawa ng data research na Tangere mula Mayo 21 hanggang 25, “should prompt the new Senate leadership to pass the amendment proposals as soon as possible.”

“I think the Senate should listen to the people’s voice. New Senate President Francis Escudero should do what his predecessor failed to do, and they should do it as soon as possible,” ani Gonzales.

Ipinunto rin ng mga mambabatas na naipasa na sa mababang kapulungan ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 noong Marso habang ang RBH No. 6 ay pending pa sa mataas na kapulungan.

“RBH No. 6 is now in limbo in the wake of the recent Senate shakeup. We don’t know what will happen to RBH No. 6 since that resolution is authored by Senators Zubiri, Angara, and Loren Legarda, who has also resigned from her Senate post,” dagdag ni Gonzales.

Ganito rin ang naging pahayag ni Suarez na sinabing dapat ay pagsikapan na ng Senado, sa ilalim ng liderato ni Escudero, ang bersyon ng panukala.

“So far, new Senate President Escudero has spoken on a lot of things, except the proposed economic constitutional amendments,” ani Suarez.

Sa kabilang banda, sinabi ni Dalipe na malapit nang maubos ang oras ng mga senador para sa panukala, at ipinuntong maaaring maipasa ito ng kapulungan “after the convening of the third and last regular session of the 19th Congress in July.” RNT/JGC