Home METRO Suspek sa Makati road rage: Mabuti po tayong tao, ‘di po tayo...

Suspek sa Makati road rage: Mabuti po tayong tao, ‘di po tayo masama

MANILA, Philippines – Nanawagan sa publiko ang suspek sa pamamaril at pagpatay sa kapwa motorista sa Makati City na huwag siyang husgahan.

“Mabuti po tayong tao, hindi po tayo masama… Nakikiusap lang po ako sa mga tao ng ‘wag naman po husgahan tayo,” sinabi ng suspek na si Gerrard Raymond Yu, sa panayam ng ABSCBN News.

Sumalang na sa inquest proceedings ang suspek sa viral road rage incident sa Ayala Tunnel EDSA, sa Makati police headquarters nitong Biyernes, Mayo 31.

Kasama sa mga dumalo sa pagdinig ang mga kaanak ng biktima.

Tumangging sumagot si Yu nang tanungin ng mga mamamahayag kung siya ba ang bumaril sa family driver na biktima.

Sa imbestigasyon, nagpositibos sa gun powder residue ang suspek at tumugma pa ang basyo ng bala at baril nito sa ballistics examination.

Positibo ring kinilala ng mga kasama ng biktima ang suspek.

“Hindi ko po kasi alam, si attoney na lang po,” sagot pa rin ni Yu. RNT/JGC