PANGASINAN-Tigok ang isang 68-anyos na lalaki matapos mahulog at malunod sa irrigation canal sa Brgy. San Bonifacio, San Manuel ng lalawigang ito kagabi, Nobyembre 20.
Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente bandang 8:45 ng gabi.
Nabatid na habang naglalakad ang biktima ay aksidente itong nahulog sa irrigation canal at saka nalunod.
Isang babaeng residente ang nakakita sa nangyari kaya agad na humingi ng saklolo sa mga residente sa lugar.
Ang katawan ng biktima ay narekober bandang 12:45 kaninang madaling-araw.
Isinugod sa RHU San Manuel ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso