PANGASINAN- Tigok ang isang 60-anyos na lalaki matapos mahulog at malunod sa creek (sapa) sa Dagupan City ng lalawigang nitogn Linggo ng madaling araw.
Ayon sa mga awtoridad, ang biktima ay isang garbage collector, walang asawa, residente ng naturang lungsod.
Ang biktima na pinaniniwalaang nasa impluwensya ng alak at nakatulog sa ibabaw ng screen sa naturang creek.
Makalipas ang ilang sandali, isang lalaki na kapwa garbage collector ang may narinig na tila nahulog sa creek.
Nang tingnan niya ang biktima ay wala na ito sa kanyang kinahihigaan.
Hinihinalang nahulog ang biktima habang natutulog kaya agad na humingi siya ng tulong para hanapin nila ang biktima.
Makalipas ang mahigit isang oras nilang paghahanap ay nakita rin nila ang biktima na isa nang malamig na bangkay. Rolando S. Gamoso