Home HOME BANNER STORY Senior Navy exec sa presensya ng Tsina sa ‘instruments of power’ ng...

Senior Navy exec sa presensya ng Tsina sa ‘instruments of power’ ng PH: Maging alerto

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Philippine Navy official nitong Linggo na maging alert sa “penetration” ng China sa bansa, partikular sa ekonomiya at politika.

Kasabay ng patuloy na agresyon ng Chinese forces sa West Philippine Sea, binanggit ni PN spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Trinidad na mayroon ding presensya ang China sa bansa pagdating sa “instruments of power.” Iginiit ng opisyal na hindi na ito nagkataon lamang, at dapat malaman ng mga Pilipino ang posibleng banta nito sa seguridad.

“Ang mas mahalaga na maintindihan at maging aware, maging conscious ang ating mga kababayan ay ‘yung mga nangyayari all over the country. Bagamat hindi ko sinasabi na threat na ito to our nation, but it’s too good to be coincidental,” pahayag niya sa isang panayam.

“Maraming iba’t ibang reports na ginagawa ang China. May presence sila not only militarily, but economically, politically, educationally—across all the instruments of national power—may ginagawa ang China. At nangyayari ito all over the country,” patuloy ni Trinidad.

Hinikayat din ng Navy official na iulat ng mga Pilipino, partikular ng mga naninirahan sa mga lugar na may limitadong presensya ng security forces, ang anumang kahina-hinalang aktibidad ng Chinese citizens.

Gayundin, nanawagan si Trinidad sa mga Pilipino na huwag mahulog sa anumang krimen, na tinutukoy ang ilegal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs.)

“Ang ginagawa naman sa atin ng Tsina is to penetrate Philippine society, our political system, our economic system. Penetrate us across all the instrument of national power all dimensions, and destroy us from within. Kailangan magmasid talaga tayong lahat,” giit ni Trinidad.

“Hindi pa tayo sure kung ito ay security threat, but this is a reason, may indicators na ito for us to check.”

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Chinese Embassy ng Manila hinggil dito. RNT/SA