MANILA, Philippines- Nalambat ng mga pulis ang isang 60-anyos na lalaki at nasabat ang mahigit P10 milyong halaga ng ilegal na droga sa isang buy-bust sa lalawigan ng Laguna nitong Biyernes.
Inihayag ni Philippine National Police-Drug Enforcement Group chief Brig. Gen. Eleazar Matta na nadakip ang suspek na si alyas “Karding” sa kanyang tahanan sa Barangay Maytalang 1, sa bayan ng Lumban, bago sumapit ang alas-11 ng umaga.
Ayon kay Matta, si Karding ay may search warrant na inisyu ng korte sa Lucena City, Quezon na may petsang Nov. 26, 2024.
Nasamsam ng mga pulis mula sa suspek ang 1.51 kg ng shabu at 301 gramo ng hinihinalang dried marijuana leaves.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Lumban Municipal Police Station at mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA