CAVITE, Philippines – Nasawi ang isang 70-anyos na babae na may-ari ng isang pribadong paaralan matapos masunog ang Brentwood Academy sa Brgy. Sta. Cruz 1, Dasmariñas City, Cavite.
Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang biktima na si Ginang Violeta, 70 anyos, school owner ng nasabing paaralan at residente rin ng lugar.
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa isang classroom bandang alas-8:32 ng gabi. Umabot nang mahigit isang oras bago tuluyang naapula ang apoy.
Natagpuan ng mga awtoridad ang sunog na katawan ni Violeta sa loob ng Administration Office ng paaralan matapos maipagbigay-alam sa BFP ang insidente pasado alas-9 ng gabi.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at tinataya ang halaga ng pinsala sa paaralan. MARGIE BAUTISTA