Home OPINION SERBISYO NG MANILA WATER, TODO-HANDA NGAYONG TAG-INIT

SERBISYO NG MANILA WATER, TODO-HANDA NGAYONG TAG-INIT

116
0

HINDI na basta-basta ang tindi ng sikat ng araw ngayon! Sa tag-init na may kasamang banta ng “danger level” na heat index (42°C hanggang 51°C), hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Manila Water Philippine Ventures (MWPV) sa pagsisiguro na hindi matutuyuan ang kanilang mga customer.

Dahil sa babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mas titindi ang singasing ng panahon nga­yong Abril, agad na nagkasa ng “Summer Preparedness Measu­res” ang MWPV — ang sangay ng Manila Water na namamahala sa mga Non-East Zone units sa bansa.

Alam naman nating lahat na kapag ganitong nagbabaga ang panahon, doon din tumataas ang demand sa tubig habang hirap naman ang mga source dahil sa kawalan ng ulan.

Para hindi tayo mabulaga, inalerto na ni Melvin John Tan, Chief Operating Officer ng MWPV, ang labintatlong (13) operating units nila.

Kabilang dito ang mga sine­serbisyuhan nila sa malalaking lalawigan gaya ng Laguna, Pampanga, Aklan, Samar, Cebu, at Da­­vao Del Norte.

“Proactive, hindi reactive.” Ito ang naging linyada ni Tan. Ayon sa kompanya, hindi na sila nag­hintay na mawalan ng tubig bago kumilos. Sa halip, inihanda na ang mga sumusunod:

* Reserbang Tubig: Pagbu­bukas ng mga standby deep wells at backup systems para may hu­got na tubig sakaling bumaba ang suplay.
* Maintenance: Todo-checkup na sa mga critical facilities gaya ng pumps, reservoirs, at mga ge­­nerator set para iwas-aber­ya sa operasyon.
* Leak Repair: Hinigpitan ang paghahanap at pagkumpuni ng mga tagas o leaks para walang masayang na patak ng tubig.
* Pressure Management: Pag-aayos sa agos ng tubig para siguradong kahit ang mga nasa malalayong lugar ay maabot ng suplay.

Ang hakbang na ito ay base na rin sa mga naging karanasan sa mga nakaraang El Niño. Sa tulong ng makabagong teknolohiya at climate monitoring, layon ng MWPV na protektahan ang kalusugan at sanitasyon ng publiko sa kabila ng krisis sa klima.

Kaya sa mga taga-pro­bin­­sya, kahit tirik ang araw, may ma­­­asahang serbisyo. Pero si­yem­pre, paalala rin sa atin: ha­bang ginagawa ng Manila Water ang kanilang parte, magtipid din tayo sa paggamit ng tubig. Bawat patak, mahalaga!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here