Home METRO Lalaking nanghalay sa Malabon, huli sa Ilocos Norte

Lalaking nanghalay sa Malabon, huli sa Ilocos Norte

130
0

MANILA, Philippines – SHOOT sa hoyo ang 27-anyos na kelot na wanted sa kaso ng panggagahasa sa Malabon City nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Ilocos Norte.

Sa tinanggap na ulat ni NPD Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon Police na nagtatago sa Ilocos Norte ang akusado na nakatala bilang No. 4 sa Top Ten Most Wanted Person sa Malabon Police.

Lumayas umano ang akusado sa kanyang tinitirhan sa Brgy., Catmon, Malabon City nang malamang may warrant of arrest na inilabas ang hukuman laban sa kanya makaraang sampahan siya ng kasong rape ng pamilya ng biktima.

Kaagad inilunsad ng mga operatiba ng WSS ang manhunt operation laban sa akusado, sa koordinasyon sa Dingras Municipal Police Station hanggang sa makorner siya sa Brgy., Medina, Dingras, Ilocos Norte alas-11:40 ng gabi.

Hindi na nakapalag ang akusado nang bitbitin ng pulisya sa bisa arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 73, Malabon City, para sa kasong two counts of rape na walang inirekomendang piyansa.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Malabon City Jail. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here