MANILA, Philippiens – Hindi muna paglalaruin ng Choco Mucho ang isa sa kanilang mainstay ngayong taon.
Ayon sa ulat, pamamahingahin muna si setter Deanna Wong sa Flying Titans sa 2024-24 Premier Volleyball league (PVL) All-Filipino Conference hanggang sa katapusan ng taon.
Ibinunyag ni Flying Titans head coach Dante Alinsunurin ang status ng kanyang beteranong playmaker, na ang kasalukuyang pisikal na estado ay malayo sa perpekto.
Pumipigil sa kanyang paglalaro ng extended minutes mula noong nakaraang season ang masakit na mga pinsala sa tuhod na kanyang hinarap sa loob ng halos isang taon.
“Yun pa rin ‘yung nagiging problema niya every time na meron kaming laro. Sa ngayon, mina-manage na lang nang maayos para ‘pag nakabalik, hindi na umulit [‘yung injury],” Ani Alinsunurin.
“‘Yung nagiging purpose ngayon (ng pagpapahinga sa kanya) ay para lumabas na ulit ‘yung talagang galaw niya ‘pag nakabalik na siya sa laro.”
Mismong mga doctor ang nagrekomenda na pagpahingahin si Wong kahit ilang buwan.
Sa pagkawala ni Wong, si Alinsunurin ay nagpabalik-balik sa pagitan ng batikang setter Jem Ferrer at Alas Pilipinas playmaker Mars Alba sa kanyang ikalawang buong season bilang isang Flying Titan.
Samantala, tinanggal na ngayon sa listahan ng nakakabahala na injury ni Choco Mucho si Des Cheng na gumaling mula sa ACL tear, gayundin si Kat Tolentino na namamahala pa rin ng problema sa pandinig na hinarap niya mula noong nakaraang taon.JC