MANILA, Philippines – Sa kulungan ang bagsak ng isang 18-taong-gulang na lalaking drug suspect makaraang makumpiskahan ito ng halagang ₱50,390 ng shabu at kush Martes ng gabi, Pebrero 4.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) director PBGEN Samuel Abrugena ang nadakip na suspect na si alyas Tongs na kabilang sa listahan ng drug watchlist.
Base sa report ng Pasay City police, naganapang pagdakip sa suspect dakong alas 6:30 ng gabi sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City police sa Barangay 56 Zone 7, Pasay City.
Sa ikinasaang operasyon aay narekober sa posesyon ng suspect ang 5.8 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱39,440 at 7.3 gramo ng pinatuyong dahoon ng marijuana (kush) na nagkakahalaga naman ng ₱10,950.
Bukod sa nakumpiskang ilegal na droga ay narekober din sa posesyon ng suspect ang isang kulay violet na plastic ziplock na pinaglagyan ng kush, anim na maliit na heat-sealed transparent sachets na pinaglagyan ng shabu, isang gray na coin purse, at ang ₱500 na ginamit builang buy-busst money.
Ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa qualitative and quantitative analysis habang kasalukuyang nakapiit sa SDEU ang suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). James Catapusan