Home METRO 10 menor, 2 pa huli sa hazing sa Maynila

10 menor, 2 pa huli sa hazing sa Maynila

MANILA, Philippines – Labindalawang suspek, kabilang ang sampung menor de edad, ang nahuli sa pagsasagawa ng “initiation rites” para sa isang fraternity sa kalye ng Sta. Ana sa Maynila.

Base sa CCTV, ang grupo na nagsasagawa ng hazing ritual sa isang biktima bandang 11 p.m. noong Pebrero 2.

Base sa ulat ng GMA News, inakala umano ng mga awtoridad na isang karaniwang suntukan lamang ito hanggang ipaalam ng biktima na nais niyang sumali sa isang fraternity, kaya’t nadiskubre nila na ito pala ay hazing.

Ang initiation, na tinatawag na “30-second massacre,” ay nangangailangan ng biktima na tiisin ang walang habas na pambubugbog ng 30 segundo upang patunayan na karapat-dapat siya sa grupo. Sinuntok, tinadyakan, at binugbog siya sa buong proseso.

Hindi itinanggi ng mga nahuling suspek ang kanilang papel sa hazing. Isang suspek ang nagsabi na hindi pwedeng gumanti ang biktima at kailangan niyang takpan ang katawan niya upang hindi gaanong tamaan ng mga suntok.

Ang mga suspek ay haharap sa kasong paglabag sa RA 11053, ang Anti-Hazing Law, na may parusang 12 hanggang 20 taon ng pagkakakulong at P1 milyong multa. RNT