ILOCOS – Patay ang 79-anyos na magsasaka matapos na umano’y tinagain ng kanyang sariling 44-anyos na anak sa gitna ng mainit na pagtatalo sa kanilang tahanan sa Sitio 6, Barangay Tabucbuc, Marcos, Ilocos Norte, noong Martes ng gabi, Pebrero 4.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay sinasabing lasing nang magkaroon ng alitan sa kanyang anak bandang 8 p.m. Sa gitna ng pagtatalo, kinuha ng suspek na si Joel ang isang kutsilyo at tinaga ang kanyang ama ng maraming beses.
Dinala ang biktimang Pedro sa ospital ngunit idineklara siyang patay dahil sa maraming tama ng saksak.
Si Joel ay sumuko sa himpilan ng pulisya matapos ang insidente at kasalukuyang nahaharap sa kasong parricide. RNT