Home METRO Shabu na itinago sa muffler buking ng BOC

Shabu na itinago sa muffler buking ng BOC

Larawan kuha ni Danny Querubin

MANILA, Philippines- Tinatayang nasa higit P200 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) makaraang madiskubre nila ito sa isang parsela sa Paircargo Warehouse, Pasay City.

Ayon sa BOC, ang kargamento ay idineklara bilang “machinery muffler” mula sa Zimbabwe at sumailalim sa mahigpit na profiling ng Customs Intelligence and Investigation Service at X-ray screening ng X-Ray Inspection Project of the Port, k9-dog sniffing at physical examination, na humantong sa pagkatuklas ng shabu na nakatago sa loob ng muffler.

Nabatid na nasa humigit-kumulang 32 kilo ng shabu (methamphetamine) na may tinatayang street value na P218,484,000 ang nadsikubre sa nasabing kontrabando.

Sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), inaresto ang consignee at sasampahan ng kaukulang kaso para sa paglabag sa Customs Modernization Tariff Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act. JAY Reyes