Home ENTERTAINMENT Sharon-Binoe reunion movie, malabo na?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Sharon-Binoe reunion movie, malabo na?June 1, 2026 17:55290 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Umaasa ang mga fans na matutuloy ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.Ito ‘yung remake ng Maging Sino Ka Man under Viva Films.Dream kasi ito ng mismong Viva boss, si Vic del Rosario.Tanong ‘yon ng mga fans na nag-aalinlangan kung matutuloy pa ba–given the encounter between Senators Robin and Kiko Pangalinan sa Senado.Umaasa na lang ang mga fans sa sinabi ni Robin na si Boss Vic daw ang bahalang kumausap kay Sharon.Ang tanong nga lang–kakayanin kaya ng powers ni Boss Vic na kumbinsihin ang Megastar?Paano kung “sarado” na ang isip ni Sharon, na kahit sino ka pa man ay decided na siyang huwag makipagtambal uli kay Robin?Samantala, natawa na lang si Kiko sa reels ng SB-11 o Solid Block 11 Minority Senators, na ginawa ni Arnold Clavio.Sa reels, makikitang sumasayaw ang grupo sa saliw ng Hawak Mo ang Beat.Although gawa sa Al o Artificial Intelligence, it’s a delight to see the minority block senators dancing kahit pa blurred ito. Ronnie Carrasco III